kung ikaw ay umiinom ng alak marahil nadadama mo ang mga walang kakupas kupas na mga topic at usapin tuwing tumotoma kayo.
sa post na ito gusto ko pagusapan ang mga nangyayari at kung ano ano pang mga nagaganap pag nagiinuman ang mga pinoy!
magsimula tayo sa mga usapan...bakit ba pag nagiinuman ang mga pinoy napakalakas ng loob nila mag open sa pagibig? kumbaga lahat ata ng problema nila sa pagibig ay nilalabas nila pag may kasamang toma! pero pag hindi nakainom sobrang kinakahiya ang buhay pagibig...parang, iinom ang lahat tapos biglang may ngangawa nalang sa tabi na parang inapuyanang puwet o kaya parang tinanggalan ng allowance ng nanay.haha.nakakatawa..at magoopen up na lang at sasabihin, pare iniwan ako ni ganito!!!! haha..laging may ganyan sa inumang pinoy
ikalawa, sa inuman lalabas kung ano talagang sexual preference ng tao..pag lango na lalabas kung bakla, tomboy, bisexual at kung ano ano pang sekswalidad meron sa mundo..may mga tao na pag lango na ay bigla na lang aaminin ito at meron din namang hindi. ito ang mga palatandaan:
bakla ang kainuman mo pag inooferan mo ng babae ay tumatanggi ito at kahit pilitin mo ayaw at sasabihin sa iyo na pare dito lang tayo wag kang aalis! kabahan ka na tsong at bayot yan! haha
at kung sobrang horny ng kasama mo pag umiinom at sinisigaw na..pare! kailangan ko ng babae alis tau.aun lalake yan at sama ka na sayang manlilibre yan! haha
at kung ano mang mga palatandaan ng iba pang sekswalidad ay isipin nyo na lang,mahirap mag type eh.hehe
sunod, sa inuman nagiging mapagbigay ang mga tao! pag di kayo umiinom ultimo candy hindi ka ililibre, kahit pagtangkaan mo ang buhay nila. pero pag may alak na,yan parang lahat ng pera sa mundo ay lalabas.uulan ng alak at parang hindi na madamot ang mga kasama mo.kulang na lang ay ipalulun sa iyo lahat ng bote na may alak at sila pa din ang bibili ng kasunod.di ba? bakit kaya ganun .
nga pala salamat kay MICHAEL PERANDOS sa inuman namin kanina at sa masarap na pulutan! salamat! habang ginagawa ko itong post na ito ay nakainom ako.haha
may part 2 pa! kay laging abangan!
Friday, May 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment