Thursday, August 21, 2008

galit sa mundo

pasensya na mga kaibigan dahil matagal akong di nakakapag post dito sa blog na ito. Ito'y sa kadahilinan na sobrang mahigpit at busy sa pagaaral si pare, tulad nga kanina nangaling ako sa antipolo upang maghatid ng serbisyong pang kalusugan..(ma'am, tama ba?..hahaha)

balik sa aking topic malay ko ba kung ano nararamdaman ko ngayon mga kaibigan..wala naman akong kaaway pero parang gusto lagi mang basag ng plato at ihagis sa kawalan.parang lagi na lang akong may hinanakit na nakatago at gustong sigawan ang lahat ng tao.feeling ko di ako maintindihan ng lahat....

marahil totoo nga ang haka haka na dumadating talaga sa punto ng isang teenager ang ganitong stage.nakakahiya man aminin at sobrang taas balahibo ko na sasabihin na ang kinatatakutan kong "EMO STAGE" ay dumadating at nag babadya (pero wag kau magkakamali..hindi ako poporma katulad nila)

nung kabataan mo ba ay naranasan mo ang mga ito. di ka maintindihan ng magulang mo, ng kaibigan mo at lahat ng tao sa mundo..

nagsawa na ako sa bisyo na sinasabi nila, sa lahat ng pang past tym..ultimo jackstone pinatos ko na maaliw lang ako.gusto ko lumipas ang bawat sandali..iwanan nag kasalukuyan at tumakbo sa kinabukusan..
at isa pang senyales na kinatatakutan ko ay mahalin ang mga kantang TYPECAST, unti unti kong nagugustuhan ang kanilang tugtugan at ang mga liriko nila..
para akong si spiderman na unti unting nadidikitan ng black substance (ano ba yun?)

ikaw, oo ikaw..sagipin mo ko!!!!!

Tuesday, August 12, 2008

saturdays at SM!

naranasan nyo na bang pumunta sa mall pag saturday? nakakita na kayo ng mga high school students na nakaporma? ung tipong nakaipon sila ng pamasahe mula sa baon nila from monday to friday?
kung di mo maintindihan, makikita mo sila na sama sama....mga lima hanggang 10 lahat cla iisa ang porma. may mga klasipikasyon yan
a.mga hardcore punks (not ligo) = sila ung mga batang nakaitiim,nakabaston ang pantalon at naka pekeng chuck taylor, ang mga buhok!!! anak ng teteng! sobrang kakapal at nakagilid ang mga bangs...tipong pandidirihan mo lapitan dahil mukha silang mabaho..haha
b. mga HIPHOP DUDUNG! = haha sila ang mga batang pilit na pilit maging hip hop...lahat sobrang parang kumot ang mga suot...buong katawan natatakpan.mejo baston din ang pantalon ngunit sobrang luwag sa bandang hita...medyo low waist haha...at ang di pwedeng mawala, ang mga SUMBRERO! iisa ang theme...BASKETBALL O KAYA NY! haha...

sobrang tawa ako ng tawa pag nakikita ko yan! sarap pagkukutusan isa isa...hahaha...kung di mo pa sila nakikita,suggest ko punta ka sa SM STA.MESA tuwing sabado at mamatay ka sa kakatawa mga bandang 2pm...haha...

kinig lagi sa logan's alley sa 103.5 maxfm......