Thursday, August 21, 2008

galit sa mundo

pasensya na mga kaibigan dahil matagal akong di nakakapag post dito sa blog na ito. Ito'y sa kadahilinan na sobrang mahigpit at busy sa pagaaral si pare, tulad nga kanina nangaling ako sa antipolo upang maghatid ng serbisyong pang kalusugan..(ma'am, tama ba?..hahaha)

balik sa aking topic malay ko ba kung ano nararamdaman ko ngayon mga kaibigan..wala naman akong kaaway pero parang gusto lagi mang basag ng plato at ihagis sa kawalan.parang lagi na lang akong may hinanakit na nakatago at gustong sigawan ang lahat ng tao.feeling ko di ako maintindihan ng lahat....

marahil totoo nga ang haka haka na dumadating talaga sa punto ng isang teenager ang ganitong stage.nakakahiya man aminin at sobrang taas balahibo ko na sasabihin na ang kinatatakutan kong "EMO STAGE" ay dumadating at nag babadya (pero wag kau magkakamali..hindi ako poporma katulad nila)

nung kabataan mo ba ay naranasan mo ang mga ito. di ka maintindihan ng magulang mo, ng kaibigan mo at lahat ng tao sa mundo..

nagsawa na ako sa bisyo na sinasabi nila, sa lahat ng pang past tym..ultimo jackstone pinatos ko na maaliw lang ako.gusto ko lumipas ang bawat sandali..iwanan nag kasalukuyan at tumakbo sa kinabukusan..
at isa pang senyales na kinatatakutan ko ay mahalin ang mga kantang TYPECAST, unti unti kong nagugustuhan ang kanilang tugtugan at ang mga liriko nila..
para akong si spiderman na unti unting nadidikitan ng black substance (ano ba yun?)

ikaw, oo ikaw..sagipin mo ko!!!!!

No comments: