Thursday, September 18, 2008

nakakalungkot na balita

oo matagal akong di naka post..busy eh..pasensya na!!!
anways, ako ay sobrang nalulungkot..naiiyak pa nga eh...ito ay dahil ang akong idolo na si king dj logan,isang kaibigan,mentor,teacher,idolo ay nagretire na! oo nagretire na...di natin lam kung babalik pa o hindi..(pero sana bumalik)
napakasakit tanggapin mga kaibigan..di ko alam ang gagawin ko...kahit ako nabigla..hindi ito pinlano..pati c marf ay nabigla. ngunit sabi nga dapat tanggapin ang lahat, nawala din c kdl dati pero di ba bumalik sya..sana maging ganun.
mensahe para kay kdl:
kaibigan, isa kang napakalaking impluwensya sa buhay ko, sa mga sinasabi mo na kahit pabiro ay natututo ako sa mga laban ng buhay..may "sense" di naman.
salamat! binigyan mo ng katuparan ang pangarap ko na makapagsalita at marinig kahit na ilang saglit sa radio..napakinggan ng mundo kung ano ang gusto kong sabihin.kahit na ako ay isang makulit na caller lamang ay napansin mo at napagbigyan mo..salamat...
salamat dahil di ko akalain na ang isang katulad ko na ordinaryong tao ay makakasamang gumimik at maging kaibigan mo..napaka down to earth mo di lumalaki ang ulo tulad ng iba. kahit na ikaw ay isang sikat at mataas na tao..salamat
salamat at isang karangalan ang makasama sa mikropono ng radyo ang isa sa mga pinakabatikan na deejay sa radio..karalangan po sir!
kaibigan pinakahuli,,sana bumalik ka..di bilang isang listener ngunit bilang isang kaibigan!
salamat sa lahat!!!

No comments: